Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna posible iturok kada taon

0 62

Sang-ayon si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pahayag ni Johnson & Johnson Chief Executive Officer Alex Gorsky sa isang panayam na kailangan ng mga taong mabakunahan laban sa COVID-19 kada taon tulad ng seasonal flu shot dahil sa mutating ng virus.

“Kahit naman noong umpisa pa lang sinasabi na ng mga eksperto natin na because we are not really sure of the vaccines immunity na ibibigay sa atin, so it might be na mayroong posibilidad na baka ibibigay natin every year or every two years or three years depende sa makikita natin sa datos,” saad ni Vergeire.

Dapat din aniyang patuloy na mag-adjust sa kanilang bakuna ang mga manufacturer para maging mabisa pa rin laban sa mga bagong variant ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Samantala, pinaghahandaan na ng DOH ang mga hakbang na gagawin para sa mga indibidwal na tatanggi na iturok ang pangalawang dose ng vaccine, gayundin sa mga Pilipinong ayaw magpaturok nito.

“We do not want to have wastage dito sa ating deployment program. We already have this quick substitution list,” ani Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.