Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna research itutulak ng Act as One

0 33

Tututukan ng Act As One Party-list ang pagsasabatas at paglalaan ng pondo para sa mga pag-aaral, pagtuklas at paggawa ng mga bakuna sa bansa sakaling manalo ito sa Kongreso sa 2022 elections.

Sa virtual Kapihan sa Manila Bay Forum, binigyang-diin ni Act as One first nominee Atty. Reynold Munsayac ang kahalagahan ng kalusugan partikular sa pagtuklas ng mga bakuna na panlaban sa COVID-19 pandemic.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi pa rin aniya dapat makampante ang mga Pilipino para ituring ito na gastos lang sa panig ng pamahalaan.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Munsayac na dapat gawing modelo ng Pilipinas ang ibang bansa na nakikipag-partner sa mga vaccine manufacturer para tulungan silang makagawa ng kanilang sariling bakuna.

Isusulong din aniya nila ang pagtatayo ng mga pasilidad para sa pag-aaral sa paggawa ng mga bakuna.

Leave A Reply

Your email address will not be published.