Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna sa mga VIP iligal

0 113

Tinawag ng isang mambabatas na isang malinaw na `VIP bakuna’ ang nabisto aniyang pagpapaturok ng gamot kontra COVID-19 ng mga sundalo at ilang miyembro ng gabinete.

“Labag iyang VIP bakuna sa Republic Act 9711 [Food and Drugs Administration Act of 2009] na nagsasabing dapat kunin ng approval ng FDA sa lahat ng pagkakataon. Maliban sa usapin sa approval, tila isinantabi rin ang chain of prioritization na itinakda nila mismo. Ayon sa DOH at FDA dapat mauna sa bakuna ang healthworkers, susundan ng mga indigent seniors at indigent families. Matapos nila, saka pa lamang ang mga uniformed personnel,” giit ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite.

Dahil dito, sinabi ni Gaite na kung noon may VIP testing, ngayon naman ay VIP bakuna.

Hindi aniya frontliner ang mga VIP (very important person) kundi ang mga health worker, mga doktor, nurse, mga barangay health worker, at mga kawani sa pampublikong ospital na dapat unahin kapag may aprubado nang bakuna laban sa COVID-19.

“Malinaw na alam nilang bawal ito kaya kanya-kanya na sila ng palusot,” dagdag ni Gaite.

Wala pang rehistradong bakuna – FDA

Ipinahayag naman kahapon ng FDA na wala pang rehistradong bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

Kasabay nito, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na huhulihin nila ang mga nagbebenta ng iligal at hindi rehistradong COVID bakuna.

Tungkol sa mga napabalitang tinurukan na ng COVID bakuna, sinabi ni Domingona wala silang magagawa ukol dito dahil personal choice aniya ito ng isang indibidwal.

Subalit iligal aniya na mag-import ng hindi rehistradong droga at mag-distribute nito. Bawal dina niya sa isang doktor o medical practitioner na magturok ng hindi rehistradong droga sa bansa.

Babala pa ni Domingo, sasampahan nila ng kaso kapag may nahuling lumalabag sa batas. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.