Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bulletin pumalya uli, walang minarkahang dedo

0 71

Walang naitalang pumanaw sa COVID-19 sa inilabas na bulletin ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ng hapon, Setyembre 25.

Nagkaroon umano ng technical issue sa COVIDKaya information system subalit inaayos na ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Samantala, batay sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 560 na inilabas nitong Sabado, nakapagtala ng 16,907 bagong kaso at 27,120 ang bagong gumaling.

Nasa 2,470,175 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa buong bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang bilang ng mga naitalang kaso, 6.7% (165,092) ang aktibo, 91.8% (2,267,678) na ang gumaling, at 1.51% (37,405) ang namatay.

May 40 duplicate case na inalis sa kabulang bilang kung saan ay 41 sa mga ito ang nakarekober.

Lahat umano ng mga laboratoryo ay operational noong Setyember 23, 2021 habang may apat na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.