Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case 3 araw na higit 20K

0 63

Pangatlong araw nang nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 20,000 bagong kaso ng dinapuan ng coronavirus sa buong bansa.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 540, nasa 20,019 bagong kaso ang naitala nitong Linggo, Setyembre 5, kung kaya’t pumalo na sa 2,080,984 ang kabuuan ng mga nagkasakit sa bansa dahil sa virus.

Nakapagtala rin ng mahigit 20,000 bagong kaso noong Biyernes at Sabado (Setyembre 3 at 4).

Ayon pa sa DOH, nakapagtala ng 20,089 bagong gumaling kung kaya’t nasa 1,889,312 na ang kabuuang bilang ng nakarekober sa coronavirus.

May 173 bagong nasawi dahilan para umakyat sa 34,234 ang kabuuan ng mga namatay sa COVID.

Nasa 157,438 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa, batay pa rin sa DOH.

Samantala, may 58 kaso umano na unang tinukoy na gumaling ang nakumpirmang mga nasawi pala matapos ang pinal na validation. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.