Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case 300K na, 21 gumaling namatay pala

0 133

Umabot na sa 301,256 ang bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, base sa ulat ng Department of Health (DOH).

Sa COVID-19 Case Bulletin, nakapagtala rin ng 2,747 bagong kaso ng virus positive.

Sa 2,747 bagong kaso ay 2,471 ang naitala sa pagitan ng Setyembre 13-26. Pinakamarami pa rin sa National Capital Region, 962; Region 4A, 419; at Region 6, 233.

Nakapagtala naman ng 787 bagong nakarekober sa virus kaya nasa kabuuang 232,906 na ang gumaling.

Nasa 88 naman ang nasawi sa COVID-19 kaya umabot na sa 5,284 ang kabuuang bilang ng mga namatay.

Samantala, mayroong 21 kaso na dating inilagay na nakarekober subalit nasawi pala matapos ang final validation.

Tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos hinggil sa mga hinawakang kaso ng COVID-19 nitong Setyembre 25. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.