Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case bumaba sa 8K, 36 lang namatay

0 52

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mababang kaso ng COVID-19 infection sa buong bansa kahapon.

Ayon sa COVID-19 Case Bulletin, nasa 8,291 ang bagong kaso ng COVID na naitala ng DOH hanggang alas-kuwatro ng hapon kahapon.

Subalit bumaba rin ang bilang ng mga gumaling na nasa 302 indibiduwal lamang habang nakapagtala naman ng 36 katao na nasawi sa virus infection.

SM food to go Banner Ad

Sa 2,674,814 kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID sa bansa, 3.7% (98,894) ang aktibo, 94.8% (2,536,260) na ang gumaling at 1.48% (39,660) ang namatay.

May 40 duplicate case na tinanggal sa kabuuang bilang kung saan ay 32 sa mga ito ang nakarekober na. Habang 21 kaso na unang sinabi na nakarekober ang nabatid na nasawi pala matapos ang pinal na validation.

Ayon sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 9 subalit dalawa ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.