Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case nilampasan 60K UP study

0 495

Sumirit sa 61,266 ang mga nagpositibong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas matapos na makapagtala ng panibagong 2,498 ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Hulyo 16.

Sa press briefing ng DOH, galing sa National Capital Region, Cebu, Cavite, Davao Del Sur, at Laguna ang karamihan ng mga bagong kaso ng COVID-19 positive.

Matatandaang noong Hunyo, base sa pagtaya ng UP research group ay posibleng umabot sa 60,000 kaso ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas hanggang katapusan ng Hulyo pero naganap na ito kalagitnaan pa lamang ng kasalukuyang buwan.

Habang 467 naman ang naitala na bagong nakarekober sa COVID-19 kaya umabot na sa 21 ,440 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit.

Nasa 29 katao ang naitalang nasawi dahil sa virus dahilan para umabot na sa 1,643 ang bilang ng mga namatay sa sakit na ito. (Dolly Cabreza/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.