Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case sa NCR tumaas ng 72%

0 69

Tumaas pa sa 72% ang COVID-19 growth rate sa National Capital Region (NCR).

Gayunman,sinabi ng OCTA Research Group nananatili pa rin naman mababa ang hospital utilization rate kaya’t wala pang inaasahang pagtaas ng alert level sa rehiyon.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang seven-day average ng COVID-19 cases sa NCR ay tumaas sa 225 noong Hunyo 14-20, mula sa dating 131 lamang noong nakaraang linggo.

Habang ang reproduction number naman sa rehiyon ay umakyat pa sa 2.05 habang ang positivity rate ay nasa 4% naman. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.