Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case sa ‘Pinas 800K na

0 216

Sumampa na sa mahigit 800,000 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 infection sa buong bansa, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng hapon, Abril 5.

Sa COVID-19 Case Bulletin No. 387 ng DOH, nabatid na nakapagtala ng 8,355 mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat na sa 803,398 ang kabuuang kaso ng mga tinamaan ng virus.

SM food to go Banner Ad

Nadagdagan naman ng 145 ang gumaling sa virus kaya nasa 646,237 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
May 10 katao naman ang iniulat na nasawi kaya umabot na sa 13,435 ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos dapuan ng coronavirus.

Sa ngayon ay nasa 143,726 naman ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.