Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID case sumipa sa Kapaskuhan

0 181

Inihayag ng OCTA Research Group na ang biglanag pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay dahil sa mga pagtitipon na nangyari nitong nakaraang Pasko at hindi sa pinangangambahang Omicron variant.

Ayon kay Dr. Guido David, naobserbahan nila na ang pagtaas ng kaso ay katulad din ng pangyayari noong nakaraang taon.

“‘Pag ikukumpara natin sa nakaraang holiday season noong December 2020, nagkaroon din tayo ng holiday uptick so hindi natin masasabi ngayon na Omicron-driven ito dahil nakita rin naman natin ito last year,” sabi ni David sa Laging Handa public briefing.

“Sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung may factor ang Omicron, ang sinasabi lang natin na base sa nakaraan na taon ay may nakita rin naman tayo na holiday uptick,” dagdag ni David.

Aniya, ang kasalukuyang takbo ng mga kaso ay maaaring hindi pa sumasalamin sa tunay na sitwasyon ng COVID sa bansa dahil mababa ang mga testing nang bumaba ang operasyon ng mga laboratoryo dulot ng mga holiday at nakaraang pananalasa ng bagyong `Odette’ sa Visayas at Mindanao.

SM food to go Banner Ad

“Kung temporary uptick lang ‘yan dahil sa holidays, if bumaba ‘yan, walang cause for panic. Mawawala din siya,” ayon pa kay David.

Samantala, kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon na nagkaroon ng pagtaas sa mga kaso at positivity rate ng COVID nitong nakaraang linggo sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

“In the NCR, the daily cases in the recent week showed an increase of 38 cases or 49 percent from the previous week now averaging 115 cases per day,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum.

Nabatid na mula Disyembre 13 hanggang 19 nakapagtala ng 77 average daily reported cases sa Metro Manila.

“An increase in the recent week was observed in the NCR compared to the week prior. The NCR now has a rate of 1.5 percent versus .70 percent in the previous weeks,” ayon kay Vergeire. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.