Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID death sa Mexico sirit sa 61K

0 101

Kabilang ang bansang Mexico sa pinakamalalang bansa na apektado ng COVID-19 pandemic patunay ang naitalang higit 60,000 nasawi dahil sa nasabing virus.

Ayon sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center dashboard, nasa 568,621 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Mexico, pampito na ito sa buong mundo. Pero ang mga pumanaw ay umabot na sa 61,450 katao.

Sa mga nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19, nangunguna pa rin ang United States na may 5,777,710 at sinundan ng Brazil 3,669,995. Sa buong mundo nasa 188 bansa ang apektado ng nararanasang pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.