Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID death sirit pa rin sa Visayas

0 41

Nanatiling mataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Western Visayas sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang arawang kaso ng Department of Health (DOH).

Nabatid na bumaba sa 107 ang daily average case sa rehiyon mula sa pinakamataas na 820 naitala nitong Setyembre. Katumbas ito ng 5,549 aktibong kaso hanggang nitong Nobyembre 17, kalahati ng 10,000 aktibong kaso noong nakalipas na buwan.

Habang 12.7% ang positivity rate sa rehiyon na mas mababa nang kaunti sa 13.5% national positivity rate.

SM food to go Banner Ad

Gayunman, ang case fatality rate (CFR) ng rehiyon ay umabot sa 2.64% na mas mataas kumpara sa 1.5 ng national CFR.

Nalaman na hanggang nitong Nobyembre 21, ang Western Visayas ay nakapagtala ng 3,823 deaths mula sa 144,677 COVID-19 cases na naitala ng DOH nang magsimula ang pandemya noong nakalipas na Marso 2020.

Ang lalawigan ng Guimaras ang may pinakamataas na CFR na 4.49% na sinundan ng Antique at Capiz provinces (3.3%), Iloilo province (2.93%), Iloilo City (2.7%), Bacolod City (2.63%), Negros Occidental province (2.1%) at Aklan province (1.6%).

Ayon kay Dr. Bea Camille Natalaray ng DOH-Western Visayas, pagpapaliwanagin ang epidemiology department kung bakit mataas ang CFR sa rehiyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.