Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID death tumaas sa edad 17 pababa

0 86

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga kabataang 17-anyos pababa na nasawi dahil sa COVID-19, batay ulat ng OCTA Research nitong Sabado.

Kasabay ito ng kanilang ulat na bumaba ang mga namamatay o case fatality rate (CFR) ng COVID-19 sa National Capital Region o Metro Manila simula pa lang ng Enero 2021.

Ayon sa OCTA, nakitaan ng pagbaba ng bilang ng mga nasawi sa COVID 19 mula sa mga indibidwal na nasa sektor ng senior citizen at iba pang age group maliban sa kabataang 17-anyos pababa.

Naitala umano ang CFR para sa mga senior citizen na edad 60 pataas na mula sa 5.87% noong Enero hanggang Marso ay bumaba ng 4.29% sa pagitan ng Hunyo hanggang nitong Hulyo 6.

Ang CFR naman sa mga edad 50-59, mula sa 1.61% ay naging 1.21% na lamang sa parehong panahon. Nakitaan rin ng pagbaba ng CFR sa mga edad 40-49.

Subalit nagkaroon naman umano ng pagtaas ng CFR sa mga 17-anyos pababa kung saan mula sa 0.07% ay nakapagtala ng 0.20%, na nangangahulugang isa umano sa 500 dinadapuan ng COVID-19 ang nasasawi.

Samantala, 0.13% naman ang naitalang CFR sa edad 18 hanggang 39. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.