Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID hawaan bumababa

0 174

Nakabalik na sa negative one ang daily growth rate ng COVID cases sa bansa.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni OCTA Research fellor Dr. Guido David kaugnay sa sitwasyon ng panana­lasa ng Omicron variant sa Metro Manila.

Ayon kay David, kung babasehan ang datos nitong araw ng Linggo, negative one percent na ang daily growth rate mula sa 2% na indikasyong bumaba na ng konti.

Noong mga nakalipas na linggo aniya ay nasa 15% ang daily growth rate at malayo na ang agwat kumpara sa naitala nitong araw ng Linggo.

Gayunman, hindi pa aniya maaaring magsaya ang mga tao dahil kailangan pa ring makita ang pruweba na bumababa na talaga ang mga kaso sa mga susunod na araw o kaya sa susunod na linggo.

“Hintayin natin within the next few days or the next week ‘pag talagang mas mababa na ang kaso, masasabi natin na talagang bumababa na. Hintayin pa natin talagang bumaba ‘yung kaso,” dagdag ni David. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.