Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID infection lumolobo sa PH – WHO

0 414

Lumabas sa datos ng World Health Organization (WHO) sa loob ng nakalipas na dalawang linggo na pinakamabilis ang naging pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection sa Pilipinas sa Western Pacific Region.

Ayon sa WHO, tatlong beses umano itong naging mataas sa Singapore na pumangalang puwesto sa pinakamataas na datos ng COVID-19.

Ayon sa WHO, lumalabas na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 8,143 bagong kaso mula Hunyo 16 na pinakamataas sa 22 bansa sa rehiyon.

Habang ang Singapore naman ay may 2,351 bagong kaso sa kaparehas na panahon samantalang ang China na pinagmulan ng COVID-19 ay nakapagtala ng 302.

Nabatid na mula nang magluwag ng quarantine sa Pilipinas noong Mayo 15 ay nakapagtala ng 22,935 bagong kaso ng COVID-19 at ngayon ay umaabot na ito sa 34,803. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.