Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID kumakalat sa hangin – US

0 176

Inihayag ng US Center for Disease Control and Prevention (CDCP) na may mga ebidensiya na nananatili sa hangin ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na maaaring malanghap ng mga tao.

Sa update ng CDCP sa kanilang website, sinabing umaabot din ang COVID-19 lampas ng anim na talampakan.

“Airborne viruses, including COVID-19, are among the most contagious and easily spread,” ayon sa CDCP.

Naikakalat umano ang COVID-19 sa pamamagitan ng respiratory droplets katulad sa mga aerosol na nalilikha kapag umuubo, bumabahing, sumisinga, kumakanta, nagsasalita o kahit pa humihinga lang ang taong infected ng virus.

SM food to go Banner Ad

“This is thought to be the main way the virus spreads. There is growing evidence that droplets and airborne particles can remain suspended in the air and be breathed in by others, and travel distances beyond 6 feet,” dagdag nito.

Dating ipinayo ng CDCP na panatilihin ang distansiyang nasa anim na talampakan, paghuhugas ng mga kamay at pagtatakip ng bibig at ilong ng face mask kapag nasa publikong lugar.

Pero ngayon ay sinabi nilang lumayo sa ibang tao ng may anim na talampakan. Gayundin dapat din umanong manatili na lang sa bahay at humiwalay kapag may sakit.

Gumamit din umano ng air purifier para mabawasan ang mga airborne germs sa loob ng bahay. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.