Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID kumalat sa PNP training, 78 nagpositibo

0 89

Nasa 78 mula sa 296 na police trainees sa Ilocos Region ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa ulat ng Police Regional Office Ilocos (PRO-1).

Kinumpirma kahapon ni PRO-1 Assistant Information Officer Police Capt. Karol Elizabeth Baloco na ang mga trainees ay kailangang sumailalim sa swab test bilang requirements sa kanilang pre-deployment.

Lumabas ang positive result ng mga ito nitong Agosto 11 kung saan karamihan sa kanila ay pawang mga asymptomatic habang ang ilan ay may mild symptoms at ang mga ito ay naka-quarantine na.

Related Posts

Samantala bilang protocol, ang mga police trainees naman na nagnegatibo sa swab test ay naka-quarantine din sa ibang lugar bago ang kanilang deployment.

Ayon pa kay Baloco, natapos na ng mga police trainees ang kanilang in-house training at nakatakda na sanang sumabak sa 6-buwang field training program upang maging ganap na silang miyembro ng Philippine National Police. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.