Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID lab sa Pasig aprub na

0 65

Pasado na para para makapagsagawa ng COVID-19 test ang molecular laboratory ng Pasig City.

Ayon kay COVID-19 testing czar Vince Dizon, kayang makapagsagawa ng polymerase chain reaction (PCR) testing ang molecular laboratory na kasalukuyang nasa Pasig City Children’s Hospital.

“I just want to congratulate Mayor Vico Sotto and the entire Pasig team dahil po ’yung laboratory niyo… Ay pumasa na. Congratulations po. At hindi lang pumasa… Ang Pasig po one-take,” ani Dizon. Dagdag nito posibleng mailabas na ang lisensya ng laboratory mula sa Department of Health sa susunod na linggo at masimulan na agad ang operasyon nito. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.