Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID lagpas 100K, NCR pinakamarami

0 358

Mahigit 100,000 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong Pilipinas at nakapagtala rin ng bagong record high na 5,032 infected nito, base sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ng hapon, Agosto 2.

Sa DOH COVID-19 Bulletin Case No. 141, pumalo na sa 103,185 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19.

Nakapagtala ng 5,032 bagong kaso, 2,114 ang fresh cases habang 2,918 ang late cases.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nadagdagan naman ng 301 bagong nakarekober sa sakit kaya nasa 65,557 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID.

Habang 20 katao naman ang naitalang nasawi kaya nasa 2,059 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa coronavirus.

Dahil sa 5,032 bagong kaso ay naitala sa loob ng pang-apat na araw ang panibagong record high sa COVID case sa buong Pilipinas.

Sa ulat ng DOH, National Capital Region (NCR) o Metro Manila pa rin ang may pinakamaraming bagong kaso na nakapagtala ng 2,737 kasunod ang Cavite, 463. Mayroon namang 449 kaso sa Cebu, 326 sa Laguna, at 201 sa Rizal.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.