Abante Tonite Interactive

COVID local transmission sa Iloilo kinumpirma

435

Naitala ang unang local transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Iloilo City mula sa ika-apat na kumpirmadong kaso nito sa kanilang lugar.

Ayon kay Mayor Jerry Treñas, ang naturang pasyente ay nagkaroon ng close contact sa pangalawang COVID-19 patient ng lungsod,

Kasalukuyan aniyang naka-confine sa isang ospital ang 59-anyos na lalaking COVID-19 patient at nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha nito,

Kinumpirma rin ng alkalde na ang pangalawang kaso nila ng COVID-19 patient ay isang 72-anyos na lalaking pumanaw noong Marso 21.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Treñas sa mga residente ng Iloilo City na manatili sa kanlang tahanan. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad