Abante Tonite Interactive

COVID mass testing ilalarga

754

Tiniyak ni COVID-19 response head Carlito Galvez na pagsapit ng April 14 ay masisimulan na ang massive testing para sa mga Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM).

“We expect that by April 14 we shall be able to start massive testing, “sabi ni Galvez.

Sa ngayon ayon sa ospiyal ay nakikipag-ugnayan na ito sa mga research facilities upang mapabilis ang pagsasagawa ng mass testing.

“On massive testing for PUIs ang PUMs were also determined to fast track the completion of substantial laboratories so we can start to the massive testing of the PUIs and the PUMs,” saad nito.

Plano umano ng gobyerno na ilagay sa mga malalaking pasilidad na gagawing quarantine area gaya ng PICC, World Trade Center at Rizal Memorial Stadium ang mga persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM) para sa forced quarantine upang mapigilan ang paglaganap ng virus sa uumpisahang mass testing.(Aivan Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad