Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID party; 17 sa angkan kinasuhan

0 572

Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police-Navotas ang 17 magkamag-anak matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) makaraang nagsagawa Ng party sa kanilang Lugar na dinaluhang Ng ilang kapitbahay at kaibigan na Mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng ipinaiiral na general community quarantine.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, 17 residente mula sa H. Monroy St., Brgy. Navotas West ang nakasuhan dahil sa pagdalo sa isang party noong May 14, 2020 at pagsuway sa mahigpit na pagbabawal sa pagtitipon-tipon sa panahong iyon.

Nakasaad sa inihaing reklamo na paglabag iyon ng Article 151 ng Revised Penal Code, Section 9 ng RA 11332, RA 9271 at Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.

Isinailalim ng pamahalaang lungsod ang H. Monroy sa lockdown mula June 11, 5:01am, hanggang June 24, 11:59pm, matapos magpositibo sa COVID-19 ang 14 sa mga residente nito.

Sa 14, anim ang dumalo sa birthday ng isang miyembro ng pamilyang nakumpirmang positibo sa COVID-19.(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.