Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID pasok bilang ‘compensable disease’- DOLE

0 169

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isinama na sa listahan ng Employees Compensation Commission (ECC) ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) bilang isang “compensable disease”.

Sinabi ni Bello ang ECC, na isang sangay na ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay naglabas ng Board Resolution No. 21-04-14 na isinasama ang Covid-19 sa listahan ng mga sakit na pang-trabaho at world-related disease.

“Now, therefore, on motion duly made and seconded, this Commission resolves, as it hereby resolved to include the conditions for the compensability of Covid-19,” ayon sa resolusyon.

Saklaw ng Employees Compensation (EC) grant ang mga manggagawa na apektado ng Covid-19 sa panahon ng pandemik.

Kinakailangan ang mga claimant ay magsumite ng mga sumusunod na dokumento: sertipiko ng trabaho mula sa employer, nagpapakita ng huling araw na pagpasok sa trabaho; resulta ng reverse transcriptase-polymerase chain reaction (RT-PCR) na nagpapakita ng positibo sa Covid-19 mula sa anumang accredited testing facility ng Department of Health (DOH); medical record kung naaangkop; at mga form ng aplikasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In Annex A, PD No. 626, as amended as follows: Coronavirus disease 2019 (Covid-19)-clinically diagnosed and consistent with the history, and signs and symptoms of Covid-19 supported by diagnostic proof to include reverse transcriptase-polymerase chain reaction (RT-PCR) is compensable in any of the following conditions: a) There must be a direct connection between the offending agent or event and the worker based on epidemiologic criteria and occupational risk (e.g. healthcare workers, screening and contact teams tracing team; b) The tasks assigned to the worker would require frequent face-to-face and close proximity interactions with the public or with confirmed cases for health care workers; c) Transmission occurred in the workplace; or d) Transmission occurred while commuting to and from,” paliwanag pa sa resolusyon.

Sinabi ni Bello na ang isang empleyado na apektado ng Covid-19 ay makakatanggap ng P30,000.

Ito aniya ay isa sa mababayaran na karamdaman. Ang karaniwang bayad sa sakit na nauugnay sa trabaho ay P10,000 ngunit kapag Covid-19 ay P30,000 sa ilalim ng ECC resolution.

dinagdag pa niya na wala itong pagkakaiba (banayad o malubha), kung ito ay Covid ang kabayaran ay P30,000. Kung ang pasyente ay nangangailangan ng operasyon o karagdagang ospital, nandiyan ang PhilHealth. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.