Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID patient lumagapak mula 7th floor ng ospital

0 49

Masusi ngayong iniimbestigahan ng pulisya kung nahulog o sadyang tumalon ang 57-anyos na COVID-19 patient na naka-confine sa isang ospital sa Quezon City, Martes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas- 5:20 ng umaga nang matagpuang duguan ang 57-anyos na pasyente sa bubungan ng emergency entrance ng Ace Medical Center sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Christian Loyola, nitong February 13, ay dinala at na-confine ang biktima sa ospital dahil sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa guwardiya na si Ryan Mirabueanos, bigla na lamang siyang nakarinig ng malakas na kalabog sa bubungan ng emergency entrance.

Nang siyasatin ay bumungad na ang duguan at nakabulagtang katawan ng pasyente. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.