Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID patient sa East Avenue Medical Center, biglang dami

0 158

Nagdeklara ng “critical level” ang East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City sa kanilang mga ward para sa mga coronavirus patient.

Umabot na sa 90% occupancy ang mga espasyong inilaan para sa mga pasyenteng may COVID, ayon sa tagapagsalita ng ospital na si Dennis Ordoña.

Nagsimula raw dumagsa ang mga COVID-19 sa EAMC nang ilagay sa general community quarantine ang Metro Manila.

“Around mga ikalawa o ikatlong linggo ng Hunyo, marami na talaga, biglang dumami ‘yung pasyente,” saad ni Ordoña sa panayam sa DZMM.

“Sakto ito mga around two weeks after the declaration ng GCQ, dumami ‘yung mga kaso. Masasabi namin na critical level na ang dami ng pasyente namin,” dagdag niya.

As of July 16, naitala na sa 4,666 ang kumpirmadong positibo ng COVID sa Quezon City, 1,954 dito ay “active case”. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.