Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID positive dikit na sa 100K; 4,963 record high

0 294

Palapit na sa 100,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong Pilipinas matapos na makapagtala ng panibagong record high na 4,963 bagong kaso nitong Sabado ng hapon ang Department of Health (DOH).

Batay sa DOH COVID-19 Bulletin No. 140 na inilabas alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, umakyat na sa 98,232 ang mga kumpirmadong nagkasakit dahil sa nasabing virus.

Nabatid na sa 4,963 kumpirmadong kaso ay 2,087 ang nagmula sa National Capital Region; 959 sa Calabarzon o Region 4-A, at 223 sa Region 7.

Naitala naman ang 93 nakarekober sa COVID kaya umabot na sa 65,265 ang gumaling sa virus.

Samantala, 17 naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi kaya umabot na sa 2,040 ang namatay sa COVID-19.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.