Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID positive halos 400K na, QC top 1 sa bagong kaso

0 433

Palapit na sa 400,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, nakapagtala ng 2,157 bagong kaso kaya umakyat na sa 393,961 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa buong bansa.

Nabatid na may 252 ang bagong nakarekober sa COVID kaya umabot na sa 350,216 ang gumaling sa naturang sakit.

Nakapagtala naman ng 24 bagong nasawi dahilan para umakyat sa 7,485 ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID.

Samantala, nanguna ang Quezon City sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ng COVID nitong Sabado sa bilang na 115.

Sinundan ito ng Davao City, 107; Rizal, 105; Bulacan, 102; at Cavite, 82. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.