Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID positive sa DepEd, 823 na

0 233

Umabot na sa 823 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga kawani ng Department of Education (DepEd) habang 25 sa mga ito ang nasawi.

Sa isinagawang virtual press briefing nitong Lunes, sinabi ng DepEd na kabuuang 823 na ang tinamaan ng virus na binubuo ng mga learners, teaching personnel at non-teaching personnel.

Ang mga reported cases, paliwanag pa ng DepEd ay base sa kanilang hotline mula Enero 31 hanggang Agosto 23 ngayong taon.

Sa nabatid na bilang ay may 310 na aktibong kaso habang 490 naman ang nakarekober na sa naturang sakit.

Umaabot na rin sa 25 ang bilang ng nasawi sa kagawaran na kinabibilangan ng 8 learners, 9 na teaching personnel at 8 non-teaching personnel. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.