Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID positive sa kalsada na gagamutin – Isko

0 205

Nakiusap na si Mayor Isko Moreno sa mga Manilenyo na magkusang disiplina na para makaiwas sa COVID-19 dahil kung hindi aniya malamang sa kalsada na gagamutin ang tatamaan ng sakit na ito.

“Pag-ingatan níyo ang sarili niyo… magkusang disiplina tayo kasi punong-puno na [mga ospital]… sa kalsada na kayo gagamutin, sa basketball court na kayo gagamutin. Sa barangay hall na kayo matutulog dahil wala pong paglalagakan kaya kailangan natin talagang mag-ingat,” ayon kay Moreno.

Sinabi ito ni Moreno kasunod ng paglalagay ng mga tolda sa labas ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo para paglagyan ng mga hinihinalang may sintomas ng COVID-19.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.