Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID positive tumalon sa 6K isang araw

0 205

Nakapagtala ng record high na 6,352 mga bagong kaso ng COVID-19 infection batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon nitong Martes, Agosto 4.

Dahil dito, umabot na sa 112,593 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID sa buong Pilipinas.

Nabatid na mula sa 6,352 bagong kaso ay 3,941 (62%) ang nangyari sa loob ng 14 na araw mula Hulyo 22 hanggang Agosto 4.

Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa pinakamaraming COVID case, 1,826, kasunod ang Region 4-A o Calabarzon, 981, at 253 naman sa Region 3 o Central Luzon.

Nakapagtala rin ang DOH ng 240 na mga bagong gumaling kung kaya’t 66,049 na ang total recovery.

Samantala, 11 ang bagong nasawi kaya umabot na sa 2,115 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.