Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID reproduction rate bumaba sa ECQ

0 135

Nakapagtala umano ng pagbaba sa reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila bago pa muling ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa OCTA Research Group.

Ayon sa OCTA Research Group, bumaba na sa 1.53 ang reproduction rate mula sa 1.88 bago ipinatupad ang ECQ.

Dagdag ng grupo, pabulusok pa ito sa 1.2 o 1.3 bago matapos ang umiiral na ECQ sa Abril 11.

Ayon sa OCTA ang reproduction rate ay ang bilang ng tao na maaaring mahawa ng isang positibo sa COVID19.

“Previous one week growth rates in the NCR were as high as 70%,” sabi pa ng OCTA.

Kasabay nito, inihayag rin ng OCTA na mayroon nang negatibong growth rate sa Pasay, Marikina, Makati, Parañaque at Manila.

“Note that the rise in new COVID-19 cases in the NCR were first observed in these LGUs. Although it is too early to say if these negative growth rates will continue and be sustained in order for these cities to have a downward trend, this is nevertheless a welcome development,” base pa sa OCTA report.

Pero kahit pa umano bumaba ang reproduction rate at negative growth sa ilang lugar sa Metro Manila, nananatili pa ring mataas ang utilization rate ng mga ospital at intensive care unit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.