Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID result dinoktor, 2 tiklo

0 279

Buking ang dalawang babae sa pamemeke ng mga medical certificate at resulta ng COVID-19 test sa inilunsad na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) sa Quezon City sa Barangay Pasok Putik sa lungsod.

Ayon kay Captain Edwin Fugan, QCPD CIDG Deputy Chief, ang mga naaresto ay nakilalang sina Jacel Muhad at Angelica Roa. Una dito ay nag-viral ang post ng isang netizen sa Facebook tungkol sa larawan na makikita ang isang babae sa printing shop na iniiba ang detalye sa COVID-19 result, partikular ang pangalan at edad.

Mahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa falsification o pamemeke ng mga dokumento.

Maliban sa dalawang arestado, sinabi ni Fugan na makakasuhan din ang mag-asawang may-ari ng printing shop dahil sa pagpagamit nito sa iligal na aktibidad bukod pa sa wala silang business permit. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.