Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa Calabarzon sumisirit

0 68

Tumataas na rin ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang mga lugar sa CALABARZON, Benguet at ilang lugar sa Western Visayas.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni OCTA Research fellow Dr. Guido David kasunod ng uptick ng mga kaso ng COVID 19 sa Metro Manila.

Ayon kay David, nakita nilang sumasabay ang mga kaso ng COVID sa Cavite, Laguna, Rizal gayundin sa Benguet at sa Iloilo sa Western Visayas at posibleng susunod na rin ang ibang mga probinsiya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa part of CALABARZON, specifically sa Cavite, Laguna, Rizal, sumasabay sila sa Metro Manila,” ani David.

Mahalaga aniyang itaas ang antas ng kaalaman ng publiko na mag-ingat para hindi kailangang itaas ang alert level status at para na rin makapag-adjust at matulungan ang ekonomiya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.