Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa Naval Training Station lumobo

0 201

SAN ANTONIO, ZAMBALES — Naalarma ang mga mag-aaral ng Naval Training Station (NTS) matapos maitala ang 18 kaso ng COVID-19 na sumiklab nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Dr. Noel Bueno, Provincial Health Director, ng Zambales na ang mga bagong kaso sa loob ng Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC) ay nangyari matapos ang pakikipag-ugnayan ng ilang mag-aaral sa tatlo ring mag-aaral na nagpositibo sa SARS Cov 2, mula Enero 13 hanggang 15.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pinakahuling datos na naitala ay tumaas sa 33 ang tinamaan ng COVID-19 sa NETDC, na sumasailalim ngayon sa 14 na araw na quarantine at pagdedeklara ng lockdown sa lugar mula noong Enero 13.

Ayon kay Bueno ang mga mag-aaral, na may edad 22 hanggang 43, ay nanatili sa paaralan nang higit sa isang taon at walang kasaysayan ng paglalakbay sa labas ng lalawigan. (Randy V. Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.