Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa NBP: 350 preso, personnel tinamaan

0 238

Nasa 350 na mga bilanggo at personnel ng New Bilibid Prisons (NBP) ang nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa pinakahuling datos ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong July 22.

Isinapubliko ito ni BuCor spokesperson Col. Gabriel Chaclag sa Laging Handa briefing Huwebes ng tanghali kung saan tinalakay ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa mga bilangguan sa bansa.

Ayon kay Chaclag, mula sa kabuuang 350 kumpirmadong kaso ng COVID infection sa NBP ay 260 dito ang mga bilanggo at nakapagtala sila ng 315 na gumaling sa sakit habang 21 ang nasawi kabilang dito ang siyam na high profile inmate.

Aniya pa, nasa 29,000 ang kabuuang bilang ng mga bilanggo sa NBP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.