Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa Pinas 93K na, bagong kaso 4K

0 280

Nasa 93,354 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa hanggang nitong alas- 4:00 ng hapon.

Base sa ipinalabas ng Department of Health (DOH) COVID Bulletin, nadagdagan pa ng 4,063 bagong kaso ng COVID-19.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 2,267 new cases, sinundan ng Cebu na may 654 new cases, Laguna na may 200 new cases, Rizal 123 new cases, at Cavite na may 117 new cases.

Habang nakapagtala naman ng may 165 nakarekober sa sakit dahilan para umabot sa may 165 ang bagong naitalang nakarekober mula sa virus. Sa ngayon ay nasa 65,178 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa sakit.

Habang 40 naman ang dagdag sa mga nasawi, 2,023 ang kabuuang death toll. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.