Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa ‘Pinas ‘di pa mapa-flatten – UP expert

0 167

Hindi pa umano mapa-flatten ngayong July o August ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas, ayon sa isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

“Di ko pa nakikita na July or August mapa-flatten siya…kasi ngayon mabilis pa iyong trajectory, mas bumilis pa nga,” saad ni Dr. Guido David, miyembro ng UP-OCTA Research, sa panayam sa DZMM.

“Iyong trend ng transmission sa buong bansa…medyo mabilis siya, pero umaasa tayo na medyo mapabagal ‘yan,” sambit pa niya.

Mas mataas daw ang reproduction rate sa Metro Manila na 1.7, kumpara sa Cebu City na nasa 1.1 hanggang 1.4.

“Ibig sabihin neto mas mabilis ‘yung pagkalat sa Metro Manila, at nadadamay din iyong neighboring regions, ‘yung parts ng Calabarzon at Central Luzon,” paliwanag niya.

Kinakailangan daw mapababa muna ang transmission rate sa bansa bago magkaroon ng posibilidad ng “flattening of the curve” ng virus.

“Ang target natin mapababa ‘yang (transmission rate), kasi pag napababa natin ‘yan talaga, baka puwedeng ma-flatten ‘yung curve,” pahayag ni David. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.