Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa `Pinas lagpas 3M na

0 60

Sumampa na sa 3,026,473 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19 buhat nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 28,007 bagong kaso base sa mga datos na kanilang natanggap hanggang alas-kuwatro ng hapon kahapon.

Nakapagtala rin ng 4,471 pasyente na nakarekober sa sakit at may 219 na nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Dahil sa mga bagong nakarekober, nasa 2,792,946 na lahat ang gumaling matapos tamaan ng COVID. Nasa 52,511 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay sa virus.

Samantala, patuloy ang pagsirit ng mga aktibong kaso na naitala kahapon sa 181,016.

Sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamataas na kaso na 15,256 o 55%, pangalawa ang Region 4-A Calabarzon na nasa 5,861 ang kaso o 21% at Region 3 (Central Luzon) na naitala sa 3,064 kaso o 11%.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.