Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sa PNP 170 gumaling, 162 bagong kaso

0 95

Umabot na sa 35,495 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos na madagdagan ito ng 170 pang gumaling sa sakit.

Ayon pa sa ulat ng PNP COVID-19 Cases Update na inilabas nitong Linggo, Setyembre 19, nasa 38,219 ang kabuuang bilang ng mga nadale ng coronavirus infection sa kapulisan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May 2,611 na aktibong kaso habang 113 na lahat ang nasawing pulis dahil sa virus infection.

Wala namang naitala na bagong kaso ng namatay sa COVID subalit nakapagtala ng 162 bagong kaso ang PNP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.