Abante Tonite Interactive

COVID sa US, 1K na patay

0 700

Nasa 1,000 katao na ang nasawi sa Estados Unidos dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID19).

Ayon sa datos ng Center for Systems Science and Engineering ng John Hopkins University pinakamalaking bilang ng nasawi sa COVID-10 ay naitala sa New York na may 200 katao, kabilang ang ilang Filipino.

Inaasahan na tataas pa ang nabanggit na bilang sa New York sa mga susunod na araw dahil patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nahahawa ng virus.

Nalaman na may 64,000 katao na sa US ang kumpirmadong nagpositiho sa COVID-19 .

Kalahati sa nabanggit na bilang ay nasa New York State na siyang epicenter ng pandemic sa US.

Kaugnay nito, nasa 5,000 sa New Jersey at may 82 naman pulis sa New York Police Department ang kinapitan ng COVID-19.(Juliet de Loza-Cudia)