Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sinisiw, 92-anyos gumaling

0 46

Nakaligtas sa COVID-19 ang isang 92-anyos na lola mula sa Pandacan, Maynila na itinuturing na pinakamatandang napagaling sa coronavirus ng Sta. Ana Hospital na pinatatakbo ng lungsod.

Nabatid kay Manila Mayor Isko Moreno na tinalo ni Amanda Morales, ang naunang record ng isang 80-anyos na na-confine ng 44-araw at gumaling.

SM food to go Banner Ad

Ito ang tuwang-tuwang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng pasasalamat sa mga doktor, nars at staff ng Sta. Ana Hospital at sa direktor nitong Dr. Grace Padilla dahil sa matagumpay na pagpapagaling sa pasyenteng si Amanda Morales, kabilang na ang mga miyembro ng pamilya nito na tinamaan din ng COVID-19.

Ayon pa kay Moreno, si Morales ay may pre-conditions ngunit sa pamamagitan ng mabuting pag-aalaga at mahusay na health facilities ng pagamutan sa pamumuno ni Dr. Grace Padilla ay gumaling si Morales matapos ang 12-araw ng patuloy na gamutan sa nabanggit na ospital.

“Congrats lola ko, ingat ka na next time ha. I’m happy for you. Salamat sa Diyos. Hold on ka lang, after eight years may P100,000 ka naman sa city government. Sana mabisita ko kayo someday,” ayon kay Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.