Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sisipa sa putol-kuryente

0 300

Hinimok ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Meralco na palawigin pa ng anim na buwan ang no disconnection policy ng kompanya.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, mabibigyan ng sapat na panahon ang mga Meralco consumer kapag pinalawig pa ng anim na buwan ang putol-kuryente lalo pa at marami ang nawalan ng trabaho sa pandemya.

Binigyang-diin pa nito na mas kailangan ang kuryente ngayon dahil sa sobrang init ng panahon at kung mapuputulan aniya ay lalabas ang mga tao na maglalagay sa kanila sa mas mataas na tsansa na mahawa ng COVID-19.

Naniniwala si Zarate na ang anim na buwang pagpapalawig sa no disconnection policy ay tiyak na hindi naman ikalulugi ng Meralco dahil kahit nagkaroon ng mga lockdown aniya kumita pa rin ang kompanya ng P21.71 bilyon mula sa electricity sales noong nakaraang taon.

Batay sa Facebook page ng Meralco na may petsang Mayo 15, simula sa susunod na linggo ay padadalhan na ng disconnection notice ang kanilang mga kustomer na may hindi pa nababayarang bill.

“Kung hirap makabayad nang buo, kausapin lang po kami via FB Messenger or other official Meralco channels para makagawa tayo ng mas magaan na plano at para iwasan ang standard disconnection procedures. Magiging mapagmalasakit kami sa ating sitwasyon ngayon,” ayon pa sa Meralco. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.