Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID strain sa UK mas mabilis makahawa

0 88

Nagbabala ang isang infectious disease expert na posibleng makadagdag sa pinangangambahang pagsirit ng mga kaso ng coronavirus ngayong holiday season kapag nakapasok ang bagong COVID-19 strain sa bansa.

“Ang pangamba natin `pag ang isang tao nahawaan ng ganitong strain mas mabilis niyang mahahawa ito sa tao rin,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante sa panayam sa radyo nitong Miyerkoles.

Si Solante ang head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa San Lazaro Hospital.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Solante mas mataas ang panganib na mahawa sa COVID ngayong Kapaskuhan kung saan nagtitipon ang mga pamilya.

Ibinabala ito ni Solante matapos na suspindehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasok sa bansa ng mga flight mula sa United Kingdom simula Disyembre 24 hanggang Disyembre 31 dahil na rin sa ulat na may bagong COVID-19 strain sa Britain.

Pinayuhan ni Solante ang publiko na manatiling sundin ang mga health at safety protocol at iwasan ang pagtitipon katulad ng mga reunion ngayong Kapaskuhan para hindi mahawa sa COVID.

Leave A Reply

Your email address will not be published.