Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sumirit, BI staff binawalan magbakasyon

0 143

Ipinagbawal ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magbakasyon hanggang sa katapusan ng buwan upang mapakinabangan ang mga tauhan nito na nakatalaga sa premiere port.

Sinabi ni Atty. Carlos Capulong, hepe ng BI port operations division, naglabas ng direktiba na hanggang Enero 31 ang panahon kung saan ipinagbabawal ang mga immigration personnel sa NAIA na maghain ng vacation leave.

Ang nasabing ban, na nagsimula noong Disyembre 16 bago ang 2021 Christmas holiday break, ay dapat mapapaso noong Enero 15, 2022.

Ani Capulong, pinalawig pa nang dalawang linggo ang pagbabawal sa pagbabakasyon dahil tumaas ang bilang ng mga BI officer sa airport na dinapuan ng COVID-19 o naka-quarantine nitong mga nakaraang araw. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.