Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sumirit sa balwarte ni Magalong

0 77

Parang sinadya ng pagkakataon na biglang sumirit ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City matapos masangkot sa kontrobersiya si contact tracing czar Mayor Benjamin Magalong dahil sa birthday party ng isang celebrity sa kanilang lungsod.

Batay sa COVID-19 Case Bulletin No. 319 ng Department of Health (DOH), nanguna ang Baguio City at Cebu City sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso nitong Miyerkoles matapos na makapagtala ng tig-121 pareho.

Pangatlo ang Davao City na nakapagtala ng 102 bagong kaso, pang-apat ang Quezon City na may 87, at pang-lima ang Pangasinan na mayroong 81 kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa sa DOH bulletin, nakapagtala ng 2,245 bagong kaso kaya umakyat na sa 518,407 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nass 140 naman ang bagong gumaling kaya 475,542 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus.

May 95 katao naman ang nasawi dahilan para umakyat sa 10,481 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.