Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sumirit sa Cebu City, 3 pang lugar

0 42

Apat na lugar ang tinukoy ng OCTA Research group na may pinakamataas na infection rate ng COVID-19 sa na­kalipas na 10 araw.

Ayon sa grupo, ang mga lugar ng Cebu City, Lapu-Lapu City, Laoag City at Mariveles sa Bataan ang nangunguna pagdating sa infection rate mula Hulyo 7 hanggang 17.

Nakapagtala umano ng 2.07% in­fection rate sa Laoag, sinundan ng Mariveles (1.83%), Lapu-Lapu City (1.62%) at Cebu City (1.40%).

Base umano sa monitoring ng OCTA, umakyat ang COVID-19 case sa Laoag na mula 25 ay naging 46 ito sa nakalipas na linggo.

Samantala, nanatili naman ang Iloilo City (97%) at Davao City (96%) sa may pinakamataas na utilization rate sa intensive care unit. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.