Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sumirit sa Davao, mga millennial sinisi

0 104

Isang eksperto sa Davao City ang naniniwalang ang mga millennial na residente ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ayon kay Dr. Michelle Schlosser ng Davao City COVID-19 Task Force, ito ay dahil ang mga millennial, na binanggit niyang mga nasa edad 24 hanggang 40, ay madalas sumasama sa mga aktibidad kung saan malaki ang tsansang sila ay magkahawaan.

“We all know millennials; these are a population with high-risk behaviors. They love to socialize and since they are also part of the working group, they go out to socialize and interact. They are likely highly to get infected,” ani Schlosser kamakalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tala ng city health office, 62% sa mga kaso ng virus sa lungsod ay mula sa mga taong edad 20 hanggang 49.

Gayunpaman, sinabi ni Schlosser na mataas naman ang recovery rate ng mga millennial. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.