Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID sumisirit sa mga baby

0 48

Mataas ang bilang ng tina­tamaan ng Coronavirus Disease 2019 sa mga batang Pinoy na mababa pa sa dalawang taong gulang at sa mga edad 15 hang­gang 19, ayon sa Department of Health (DOH).

“May datos tayo ng 0 to 19 years old. Ito ang mga considered na part of pediatrics group. Kapag tiningnan natin ang datos na ito, ang mataas na bilang ng mga nagkakaroon [ng COVID-19] ay less than two years old,” pahayag ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online briefing nitong Lunes.

“As the age increases, pagdating ng mga 15 hanggang 19 years old, doon pa rin ang nakikita natin na mas mataas kumpara sa mga age groups,” dagdag niya.

Paliwanag ng kalihim, ang mga kaso ng COVID-19 ay maaaring mas mataas sa mga may edad na mababa sa dalawang taong gulang dahil direkta silang inaalagaan ng kanilang mga ina.

“Pinag-aaralan talaga ito, but of course, we will assume na sila talaga ‘yong closely monitored or closely cared for by their mothers and maaaring doon nanggagaling ang impeksiyon,” wika ni Vergeire.

“That is an assumption. Pinag-aaralan pa ng ating mga eksperto kung bakit mas mataas ang bilang ng mga kaso dito sa mga less than two years old,” saad niya pa. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.