Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID surge binabala sa tanggal face shield

0 339

Kontra rin ang isang opisyal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa mga panawagang tanggalin na ang face shield sa mga pampubliko lugar.

“Masyado pa maaga, tulad ng sinabi ng eksperto natin huwag ihambing ang Pilipinas sa Estados Unidos dahil ang Estados Unidos nangangalahati na sa pagbabakuna sa kanilang populasyon,” wika ni NTF Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla sa isang panayam nitong Linggo.

Dagdag pa niya, maaaring tumaas ang mga kaso ng COVID kung ititigil ang pagsusuot ng face shield.

Bukod dito, hindi pa aniya nababakunahan ang target population ng bansa para ipatupad ito.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay samu’t-sari ang pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan tungkol sa pagsusuot ng face shield.

Inihayag pa ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na sa loob na lamang ng mga ospital isuot ang naturang protective equipment.(Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.